Pormal nang binigyan ng House of Representatives ng awtoridad ang House Prosecution Panel bilang kinatawan ng kapulungan sa lahat ng impeachment proceedings.
Sa ginawang sesyon kahapon, pinagtibay ng kapulungan ang mosyon na inihain ni impeachment prosecutor at San Juan City Representative Ysabel Maria Zamora na siyang inaprubahan ng plenaryo sa pangunguna ni Senior Deputy Speaker Ferdinand Hernandez.
Ayon sa mosyon, binibigyan ng kapangyarihan ang prosecution panel kasama na ang mga private prosecutors na kumilos sa ngalan ng Kamara upang mapabilis ang impeachment proceedings,
Kabilang sa kanilang tungkulin ang pag-simplify ng mga issues, pagbuo ng stipulations and admissions of facts and documents, pagtukoy ng witnesses, pag-establish ng bilang ng mga witnesses, at pagtakda ng iskedyul ng paglilitis.