Screenshot
Ibinasura ng Sandiganbayan 6th Division ang mosyon ng isa sa mga kapwa akusado ni dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co na mag-inhibit sa pagdinig ng kaso ang mga mahistrado ng korte.
Sa inilabas na resolusyon ng anti-graft court, nakasaad na walang sapat na batayan ang mosyon ni dating DPWH MIMAROPA Regional Director Gerald Pacanan.
Iginiit ng korte, na hindi sapat ang simpleng alegasyon ng bias o partiality at kailangan itong suportahan ng malinaw at kapani-paniwalang ebidensya.
Kabilang sa mga argumento ni Pacanan ang umano’y tila naunang kongklusyon ng korte sa bail proceedings.
Gayunman, iginiit ng korte na maaaring gumawa ng factual findings sa bail proceedings para matukoy kung malakas ang ebidensya laban sa akusado.
Ang kaso ay may kaugnay ng umano’y substandard na P289-million road-dike project sa Naujan, Oriental Mindoro.
