Pinag-uusapan pa ng Senate Majority Bloc kung sino ang tatayong presiding officer ng impeachment court ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian.
Una na kasing sinabi ni Senador Ping Lacson na may napag-uusapan na silang si Senador Chiz Escudero ang ihahal bilang presiding officer ng impeachment court.
Ayon kay Gatchalian, ayaw niyang ipreempt ang usapan nila tungkol dito at pag uusapan pa nila ito.
Pero sa kasalukuyan, sa ilalim ng kanilang rules, siya bilang senate president ang tatayo bilang presiding officer maliban na lang kung maghahalal sila ng ibang senador na maging presiding officer.
Matatandaang noong June 3 session, inamyendahan ang senate rules kung saan papahintulutan ang paghalal ng ibang senador, maliban sa senate president, na maging presiding officer ng impeachment court kapag nakakuha ito ng boto ng mayorya. | ulat ni Nimfa Asuncion