Kinilala ang Pilipinas bilang pinakamataas na retirement destination sa buong mundo para sa 2026 batay sa Retirement Abroad Index ng Expatriate Group, na nagpapatibay sa katayuan nito bilang isa sa pinakakaakit-akit na bansa para sa mga retiradong dayuhan.
Nanguna ang bansa sa limang pangunahing pamantayan kabilang ang kalidad ng kalusugan, visa accessibility, insurance requirements, cost of living, at integrasyon ng expat community.
Suportado ito ng Special Resident Retiree’s Visa (SRRV) ng Philippine Retirement Authority, na nagbibigay ng pagkakataon sa mga kwalipikadong dayuhan na manirahan sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Tourism, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy ang pagpapaunlad ng bansa bilang ligtas, abot-kaya, at kaaya-ayang destinasyon para sa mga turista at retirado.