Pormal nang pumasok sa pre-trial stage ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Isinagawa sa senado nitong Huwebes ang closed-door pre trial conference na dinaluhan ng house prosecution panel at ang defense team ni VP Sara sa senado.
Ang prosecution panel ay binubuo nina:
Rep. Gerville Reyes-Luistro,
Rep. Terry Ridon,
Rep. Ramon Gutierrez,
Rep. Ysabel Zamora,
Rep. Lorenz Defensor,
Rep. Chel Diokno,
Rep. Leila De Lima,
Rep. Keith Flores,
Rep. Lordan Suan, at
Rep. Joel Chua
Present rin ang mga private prosecutors na sina Atty. Lorna Kapunan, Atty. Marforth Fua, Atty. Erwin Matib, Atty. James Bryan Ibrahim Alih, at Atty. Amando Ligutan.
sa panig naman ng depensa, present sina
Atty. Michael Poa,
Atty. Sheila Sison,
Atty. Christine Ferrer,
Atty. Carlo Narvasa,
Atty. Mark C. Vinluan,
Atty. Ralph B. Bodota,
Atty. Roberto Batumbakal,
Atty. Justin Nicol B. Gular,
Atty. David Ronell M. Golla VII,
Atty. Lindon Miguel L. Miguel,
Atty. Karol Oroceo,
Atty. Francesca Flores, at
Atty. Clarlaine Radoc.
Kabilang sa mga tatalakayin sa pre trial conference ang:
-stipulation of facts at pagpapasimple ng mga isyung dapat pagtalunan
-pagmamarka at pagtukoy sa mga documentary at physical evidence
-pagtatakda ng bilang at pagkakakilanlan ng mga testigo
-pagtatakda ng mga petsa ng paglilitis
-pagpaplano ng pagkakasunod-sunod ng presentasyon ng mga ebidensya at posibleng pagbabago sa ayos ng paglilitis; at
-iba pang mga usaping makatutulong para matiyak ang patas at mabilis na pagdinig ng kaso
Base sa paunang kalendaryong inilabas ng senate impeachment court, itinakda sa July 6 ang pagsisimula ng impeachment trial o mismong paglilitis sa kaso. | ulat ni Nimfa Asuncion