Tiniyak ni Senate President Sherwin Gatchalian na balik trabaho na ang senado sa ilalim ng bagong senate leadership.
Ayon kay Gatchalian, tapos na ang ‘senateflix’ at back to work na sila.
Sa mga susunod na araw, ilalatag na aniya nila ang mga LEDAC bill na kailangang maaksyunan at matapos.
Pinapaalam na rin ng senate president sa mga bagong chairman ng mga kumite na pwede na silang magsagawa ng mga committee hearing dahil nakapaghalal naman na ng chairman, vice chairman at members ng committees.
Sa ganitong paraan aniya ay magiging tuloy-tuloy na ang kanilang talakayan pagbalik ng kanilang sesyon.
Pinaghahandaan na rin aniya nila ang impeachment trial na sisimulan sa July 6. | ulat ni Nimfa Asuncion