Magbi-benepisyo ang mga Pilipino sa pakikibahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ASEAN-Russia Commemorative Summit sa Kazan, partikular sa pamamagitan ng pina-igting na kooperation sa enerhiya at food security.
Gayunrin sa mga pinalakas na inisyatibong puprotekta sa kapakanan overseas Filipino workers.
Ayon kay Philippine Ambassador to Russia Igor Bailen, napakalaking mensahe nito hindi lamang sa ASEAN, kung hindi mismo sa Pilipinas, na iisang tindig ang rehiyon sa pagharap sa mga hamon.
Halimbawa ang epekto ng Middle East crisis at ang problema sa presyo ng langis.
“I think ito ay isang napakahalagang mensahe, hindi lang sa ASEAN kundi mismo sa Pilipinas na tayo ay sama-sama sa pagharap sa mga hamon, hindi lang sa ASEAN kundi sa buong mundo. ‘Yung mga pangyayari, halimbawa sa Middle East. Kung paano natin lutasin ‘yung problema sa oil crisis,” —Bailen.
Sabi ng ambahador, batid ng lahat na karamihan sa mga plano ng chairship ng Pilipinas sa ASEAN ay nagbago dahil sa sigalot sa Gitnang Silangan.
“Alam natin na karamihan sa mga plano ng ating Chairship ng ASEAN this year ay nabago dahil sa sigalot sa Middle East. So, pinapakita natin ‘yung centrality, ‘yung adaptability, ‘yung unity at solidarity ng ASEAN on paano natin i-address ‘yung energy security, ‘yung food security, and ‘yung pag-protect sa ating ASEAN nationals sa abroad.” —Bailen.
Ang Russia aniya, handang tumulong sa mga bansa sa ASEAN, kabilang ang Pilipinas, upang masiguro ng mga ito ang demand sa langis at enerhiya ng kanilang bansa.
“So, I think magandang balita ‘yun dahil alam naman natin that the Russian Federation is a net exporter of energy,” —Bailen.
Sa pakikibahagi ni Pangulong Marcos sa ASEAN – Russia Commemorative Summit, isa sa mga pinakahalagang mensage na ipabababatid ng pangulo ay ang commitment ng Pilipinas sa pakikiisa sa pagresolba ng mga hamon, mapa lokal man o pang rehiyon. | ulat ni Racquel Bayan