Ginamit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang bilateral meeting kasama si President Vladimir Putin upang ipagpasalamat ang pananatiling matatag na kabalikat ng Russia sa usapin ng pamumuhunan at kalakalan sa Pilipinas.
Partikular na binanggit ng pangulo ang suporta ng Russia sa ipinagkaloob nito sa delegasyon ng Pilipinas noong ikaapat na pulong ng Joint Commission on Trade and Economic Cooperation.
Ginanap ito sa Moscow noong Setyembre.
“On the trade and investment relationship between our two countries, again, I would like to thank you for the hospitality and support that was extended to our delegation at the fourth meeting of the Joint Commission on Trade and Economic Cooperation, which was held in Moscow last September.” —Pangulong Marcos Jr.
Sa pamamagitan kasi nito, nabigyan ng pagkakataon ang Filipino businessmen na makapulong ang Russian businessmen at mai-angat ang level of trade ng dalawang bansa, kahit hindi traditional na trading partner ng Pilipinas ang Russian Federation.
Ikinalulugod aniya ng Pilipinas ang forward-looking exchange sa iba’t ibang structural issues, na kapwa nakakaapekto sa kalakalan ng dalawang bansa.
Sabi ni Pangulong Marcos, kahit nananatili sa matatag na lebel ang kalakalan sa pagitan ng Moscow at Maynila, marami pang potensyal na linya ng balikatan ang dapat buksan ng Russia at Pilipinas.
“And as you have mentioned, Your Excellency, we – there are many potential areas that I think we should still open to explore and I think that the present level of trade, although it is steady, I think that this is – there is a great deal more that we can do.” —Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan