Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng ASEAN – Russia Commemorative Summit na ginaganap sa Kazan, kaninang hapon.
Ayon sa pangulo, sa nakalipas na 35 taon, malayo na ang narating ng baliktan ng ASEAN at Russia.
Ang pagtitipo aniya ngayong hapon, sumasalamin sa kapwa respeto na ibinibigay ng mga bansang kasapi nito, maging ang sa paninindigan ng kooperasyon at hindi komprontasyon, sa pagharap sa mga hamon nagsisilbing banta sa kapayapaan.
Ginamit ng pangulo ang pagkakataon upang magpasalamat sa Russian Federation sa hospitality nito at sa pagsisiguro na magiging maayos ang pagdaraos ng ASEAN – Russia commemorative Summit.
Gagamitin aniya nila ang pagkakataong ito, upang punan ang mga distasya, sa pagitan ng asean at Russia, literal man o sa usaping pangkultura.
“The Philippines approaches this summit not just as a ceremony of commemoration but as a renewed call to action. Thirty-five years is a foundation. What we build on it is our choice and our responsibility. Let us choose well.” —Pangulong Marcos Jr.
Sabi ng pangulo, marami pa ang dapat natalakay, at marami pang kooperasyon ang dapat na mabuksan.
Ang maaasahan aniya ng mga mamamayan ng ASEAN at Russsia, ang chairmanship ng bansa ngayon taon, nakatutok sa pamumuhunan sa ugnayang ito, sa pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga kabataan, at sa pag latag ng direction tatahakin pa ng ASEAN – Russia relations sa hinaharap.
“We must continue to invest in these bonds, placing our youth not merely at the receiving end of this cooperation, but at its center, as the generation that will ultimately decide what ASEAN-Russia relations will become.” —Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan