Nauwi sa deadlock at hindi naratipikahansa special session ng kongreso nitong miyerkules ang panukalang pag-institutionalize sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) bill.
Sa naging special session, sinubukan pang hintayin ng Senado kung lalagdaan ng mga kongresista ang pag-adopt sa bersyon ng kanilang panukala.
Pero sa huli, inanunsyo ni Senator Erwin Tulfo siyang chairman ng senate committee on social justice na hindi matutuloy ang ratipikasyon sa panukala dahil ayaw pirmahan ng kanyang mga counterpart sa kamara ang bicam version ng panukala.
Partikular aniya nilang pinagtatalunan ang Section 17ng panukala o ang Anti epal provision nito.
Itinatakda kasi nito na bawal nang makialam ang mga pulutiko sa pamamahagi ng ayuda mula DSWD.
Dahil dito, paguusapan muli sa bicameral conference committee ang panukala para maplantsa ang pinagtatalunang probisyon. | ulat ni Nimfa Asuncion