Binigyang diin ni Senador Ping Lacson na hindi bababa sa 700 million pesos na pera ng bayan ang nasayang sa dalawampu’t walong araw na pamumuno ni dating Senate President Alan Peter Cayetano.
Una nang sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na nasa 25 million pesos kada araw ang gastos sa operasyon ng senado.
Sa isang pahayag, sinabi ni Lacson, kabilang sa mga pangyayari sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano ang pamamaril sa loob ng senado at pagtakas ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.
Nasaksihan rin aniya ang dalawang araw na pag-boycott sa sesyon ng senado, bigong destabilisasyon at bogus hearings.
Tiniyak naman ni SP Gatchalian na babawiin nila sa mga susunod na araw, sa pamamagitan ng pagtratrabaho, ang mga nasayang na pondo ng senado nitong nakalipas na mga araw. | ulat ni Nimfa Asuncion