Sinabi ni Senador Ping Lacson na maaaring maghalal ng impeachment manager ang senate impeachment court na naglilitis laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang panayam, sinabi ni Lacson na ito ay para matiyak ang maayos na daloy ng mga pagdinig.
Pinaliwanag ng senador na magsisilbing ‘quarterback’ ang impeachment manager na tutulong sa presiding officer, katulad ng papel na ginagampanan ng majority leader sa senado.
Ayon kay Lacson, kung si Senador Chiz Escudero ang kinokonsidera bilang presiding officer, si Senador Kiko Pangilinan naman ang kinokonsidera bilang impeachment manager.
Pinunto ni Lacson na kapwa abugado sina Escudero at Pangilinan.
Pero nilinaw ni senator ping na pag-aaralan pa nila ito.
Giniit ng senador na sa July 6 pa ihahalal ang presiding officer kung kailan pormal na magtitipon ang impeachment court para sa paglilitis. | ulat ni Nimfa Asuncion