Matagumpay na naidaos ang ASEAN -Russia Commemorative Summit sa Kazan, kung saan nagsilbi co-chair sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Russian President Vladimir Putin.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang summit ay nagsilbing pagkakataon upang maipabatid ng mga bansang kasapi ng samahan ang kanilang commitment sa pagpapatatag ng kooperasyon para sa political security, ekonomiya, at sociocultural pillars ng samahan.
Tinalakay rin aniya ng mga lider ang mga usapin at posisyon para sa pagsusulong ng kapayapaan, katatagan, at sustainable development.
Pagpapa-igting ng trade and investment, food and energy security, science and technology cooperation, at pagpapalalim pa ng people-to-people exchanges.
In-adopt din ang ilang mahahalagang dokumento na gagabay sa susunod na yugto ng ugnayan ng ASEAN at Russia.
Partikular na ito ang Kazan Declaration 2026, ASEAN-Russia Comprehensive Plan of Action for 2026 to 2030, Joint Statement at Concept Paper on Cultural Cooperation, at ang Joint Statement at Concept Paper on Energy Cooperation.
Ang mga dokumentong ito, magsisilbing roadmap para sa pagpapalawak pa ng praktikal na kooperasyon ng ASEAN at Russia, maging sa pagbibigay ng nararamdamang resulta at benepisyo sa mamamayan ng mga bansang ito.
“As ASEAN chair, the Philippines welcomes Russia’s continued engagement with ASEAN and its support for ASEAN centrality and the ASEAN-led architecture. We remain committed to ensuring that the momentum generated at the summit translates into concrete outcomes and meaningful cooperation.” —Pangulong Marcos.
Sabi ng pangulo, sa pagtatapos ng summit na ito, ang ASEAN, umaasa sa mas matatag na balikatan kasama ang Russia, para sa pagsusulong ng mas mapayapa, mas ligtas, at mas mayabong na hinaharap para sa rehiyon. | ulat ni Racquel Bayan