Iniulat ng Al Jazeera news na napirmahan na ni U.S. President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang peace deal na hudyat ng pagtatapos ng hidwaan ng dalawang bansa sa Middle East.
Samantala sa report ng CNN sa pamamagitan ng official facebook page pinakitang pinipirmahan ni U. S. President Donald trump ang nasabing dokumento sa France kaalinsabay ng G7 Summit doon.
Batay pa din sa ulat ng CNN ang memorandun of understanding sa pagitan ng U.S at Iran ay naglalayong kagyat na matigil ang ano mang military operation laban sa, isa’t-isa kabilang din kasiguruhan ng soberenya at integridad ng bansang Lebanon.
Nakasaad din sa nasabing MOU ay ang pagbubukas muli ng Strait of Hormuz sa sandaling mapirmahan ng dalawang Heads of state ang MOU.
Sa kabuoan naglalaman ng labing apat na puntos o probisyon ang MOU kung saan kailangan tumalima dito ang U. S. at Iran.
Naglaan naman ng maximum na anim na pung araw para maplantsa o maayos ang mga probisyon tungo sa isang FINAL peace deal sa pagitan ng dalawang bansa.
Para kay U. S. President Donald Trump ang nasabing MOU sa Iran ay isang malaking panalo hindi lamang para sa Estados Unidos kundi maging sa mga leaders ng G7.