Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang lahat ng unit ng pulisya na laging paghandaan ang maagap na pagtugon sa sakuna.
Kasunod ito ng pakikibahagi ng Pambansang Pulisya sa ikalawang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Kampo Crame, ngayong araw.
Sabay-sabay na nag-duck, cover and hold ang mga tauhan ng PNP at nagsagawa ng simulation exercise upang sanayin ang kanilang mga sarili sakaling tumama ang malakas na lindol.
Binigyang diin ni Nartatez, na karaniwan aniyang ang mga lokal na pulis ang unang tumutugon sa mga kalamidad at iba pang sakuna gaya ng mga napatunayan nila sa pagputok ng bulkan, malakas na lindol sa Mindanao, at mga bagyo.
Sinabi ni Nartatez na mahalaga ang komunikasyon at pagtutulungan lalo na matapos tumama ang kalamidad na ang layunin ay sumagip ng buhay ng mga apektado.