Bukas ang pintuan ng Russia na tumugon sa pangangailangan ng supply ng langis at iba pang uri ng enerhiya sa Pilipinas at mga bansa sa ASEAN.
Pahayag ito ni Philippine Ambassador to Russia Igor Garlit Bailen kasunod na rin ng idinulot na epekto ng krisis sa Middle East sa bansa.
Ayon kay Bailen, nagkausap sila ng Russian Foreign Minister at nagsabi aniya ito na handa ang kanilang bansa na tulungan ang Pilipinas gayundin ang iba pang bansa sa ASEAN na mapunan ang pangangailangan sa suplay ng langis.
Magandang balita aniya ito dahil ang Russian Federation ang net exporter ng enerhiya at malaking bagay ito lalo at kailangan ng Pilipinas ang enerhiya.
Sinabi ni Ambassasor Bailen, na kumikilos na sila para makapag-import ng langis at makatugon sa requirements sa tulong ng Amerika upang maiwasan ang ano mang sanctions at isyung pang-ekonomiya.