Pinabilis pa ng Department of Education (DepEd) ang pagpapalabas ng pondo sa ilalim ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program.
Layunin nitong suportahan ang mga teaching personnel ng kagawaran sa buong bansa. Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, determinado silang tugunan ang mga learning gap sa Reading, Science, at Mathematics habang pinoprotektahan ang kapakanan ng mga frontline educator.
Aniya, prayoridad ng DepEd na pagsabayin ang mabilis na learning recovery at sapat na suporta sa mga guro, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Tiniyak din ni Angara ang pagpapalawak ng nasabing programa upang maibsan ang pasanin ng mga guro at matiyak na mababayaran nang tama ang kanilang sobrang trabaho.

