Inaprubahan ng House of Representatives ang isang resolusyon na kumikilala kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan dahil sa mabilis na pagtugon sa 7.8 magnitude na lindol na tumama sa Sarangani, General Santos City, at iba pang bahagi ng Mindanao noong June 8.
Sa pamamagitan ng voice voting sa isang special session na ipinatawag ng Pangulo, inaprubahan ang House Resolution No. 1132 na inihain ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III at ng kanyang mga deputy.
Binanggit sa resolusyon ang agarang aksyon ng pamahalaan matapos ang sakuna na nagdulot ng pagkamatay, pinsala, sapilitang paglilikas, at malawakang pagkasira ng mga bahay, paaralan, ospital, kalsada, tulay, at iba pang mahahalagang imprastraktura sa mga apektadong lugar sa Mindanao.
Kinilala rin sa resolusyon ang naging ambag ng mga government agencies katuwang ang pribadong sektor.
Ayon sa resolusyon, ang pinagsama-samang pagkilos ng mga ahensyang ito ay malaking tulong upang mabawasan paghihirap ng mga kababayang apekatdo ng sakuna.