Matapos ang masusing paghahanda, inilunsad sa bayan ng Itbayat ang pagsasanay na tinawag na Strengthening Institutional Capacities of Barangay Anti-Drug Abuse Councils (SICAP-BADAC) 3.0.
Nilahukan ang aktibidad ng mga miyembro ng BADAC mula sa limang barangay ng isla.
Naisakatuparan ito sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) ng Itbayat.
Layunin ng pagsasanay na mas mapalawak pa ang kaalaman, kasanayan, at kahandaan ng mga lokal na BADAC sa pagpapatupad ng mga epektibong programa laban sa ilegal na droga.
Binigyang-diin din sa aktibidad ang kahalagahan ng pagpapanatili ng mga hakbang na naglalayong protektahan ang pagiging “drug-free” ng Itbayat sa pamamagitan ng mas matatag na koordinasyon at pakikilahok ng komunidad.
Bilang bahagi ng programa, sumailalim din sa isang workshop ang mga kalahok upang ihanda ang mga kinakailangang dokumento para sa muling pagsusuri o revalidation ng kanilang mga barangay bilang mga sertipikadong drug-free na komunidad. | Ulat ni Bea Gaza-De Guzman/RP Batanes/June 17,2026. | via Bea Gaza-De Guzman
📷DILG Itbayat Batanes



