Higit 379,000 family food packs, naipamahagi na ng DSWD sa mga biktima ng Mindanao quake
Higit isang linggo matapos ang mapaminsalang magnitude 7.8 na lindol sa Southern Mindanao, nananatiling nakatutok ang DSWD sa paghahatid ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.
Ayon sa DSWD, umabot na sa 379,476 Family Food Packs (FFPs), 10,600 Non-Food Items (NFIs), at 10,342 Ready-to-Eat Food (RTEF) boxes ang naipamahagi sa mga apektadong komunidad sa Davao Occidental, General Santos City, at Sarangani.
Sumampa na rin sa ₱267-milyon ang kabuuang halaga ng naipamahaging humanitarian assistance para sa mga residenteng naapektuhan ng lindol.
Samantala, patuloy ang bayanihan sa Luzon Disaster Resource Center sa Pasay City at Visayas Disaster Resource Center sa Mandaue City, Cebu kung saan nagsasagawa ng repacking ng Family Food Packs ang mga volunteer.
Ang mga ni-repack na relief goods ay agad na ipapadala sa mga komunidad sa Mindanao na nangangailangan ng tulong.