Muling magbabalik ang Kadiwa ng Pangulo sa Navotas City ngayong June 18 hanggang 19 para sa mga suki ng murang bigas.
Ide-deploy ito sa Navotas City Hall Grounds mula alas-8:30 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Ayon sa LGU, magiging available dito ang bentahan ng ₱20 kada kilo na bigas para sa mga kabilang sa priority sectors gaya ng senior citizens, persons with disabilities o PWD, solo parents, 4Ps beneficiaries, registered fisherfolk, at mga miyembro ng TODA, alinsunod sa guidelines ng Department of Agriculture.
First come, first served ang bentahan hanggang maubos ang suplay.
Pinapayuhan lamang ang mga kwalipikadong mamimili na magdala ng kanilang sectoral ID, NavoRehistro, at DA QR Code. Para naman sa mga bibili bilang kinatawan, kailangan ang valid ID, NavoRehistro QR Code, at DA QR Code ng benepisyaryo, pati ang sariling NavoRehistro QR Code ng kinatawan.