Ang naialis nang floating platform ng Tsina ay sinasabing ginagamit ng mga marine scientists upang suriin ang ocean currents, magsagawa ng seabed mapping, at pag-aralan na rin ang lugar kung saan nagsimula ang laban ng Pilipinas para sa karapatan nito sa Bajo de Masinloc na hindi kalaunan ay nagresulta sa pagkapanalo ng ating bansa sa 2016 Arbitral Ruling.
Sa programang “Ang Pilipinas Ngayon” ng Radyo Pilipinas World Service, sinabi ni International Development and Security Cooperation (IDSC) Founding President Dr. Chester B. Cabalza na ipinapakita lamang ng pagtatayo ng ganitong uri ng istruktrura ng China sa mga lugar na sakop pa rin ng Pilipinas kung gaano ito kadesperado angkinin ang Bajo de Masinloc dahil sa mga yamang-dagat na tinataglay nito.
Ani Dr. Cabalza, nais ng Tsina na gayahin iyong ginawa ng Pilipinas sa Second Thomas Shoal, ngunit ang artificial platform na ito ay ginawa sa loob pa rin ng teritoryo ng ating bansa.
Sinabi rin ng eksperto na kung gagawing “militarized” at isang aktwal na artificial island ang floating platform ng China malapit sa Bajo de Masinloc ay maututuring nang “intrusion” na maaari pang mauwi sa “invasion”.
Ayon kay Dr. Cabalza, ang nakikitang violations ng Tsina sa pagtatayo ng naturang platform ay illegal occupation at intrusion, batay na rin sa itinatakda ng 2016 Arbitral Ruling.