Tatlo sa bawat 10 Pilipino ang nakararanas pa rin ng kakulangan sa pagkain, batay sa 2025 survey ng Department of Science and Technology–Food and Nutrition Research Institute o DOST-FNRI.
Lumabas sa datos na 32.6% ng populasyon ang food insecure, bahagyang mas mababa sa 33% noong 2023.
Sa naturang pag-aaral, 2.9% ang nakararanas ng matinding kakulangan sa pagkain o hindi kumakain ng isang araw o higit pa.
Ayon kay DOST Sec. Renato Solidum Jr., kailangang palakasin ang kabuhayan ng mga mamamayan upang mabawasan ang food insecurity at kahirapan sa bansa.
Maging ang Presidential Anti-Poverty Office at iba pang tanggapan ay kumikilos na rin upang matugunan ang suliraning ito sa lalong madaling panahon.