Binuksan na sa mga motorista ngayong araw, Hunyo 19, 2026, ang bahagi ng kalsada sa Barangay East Timawa Molo matapos itong isinailalim sa repair.
Personal na ininspeksyon ni DPWH Sec Vince Dizon ang proyekto kasama si Iloilo City Mayor Raisa Treñas. Ikinatuwa ng kalihim ang mabilis na pag-ayos sa kalsada na matagal nang hindi nagalaw at naging problema sa pagsikip ng daloy ng trapiko sa Molo.
Sa ngayon, makikita na halos kumpleto na ang konstruksyon at pwede nang dumaan ang mga motorista kaya agad itong binuksan upang magamit.

Pinasalamatan ni Mayor Treñas si Secretary Dizon at si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa mabilis na aksyon sa reklamo ng mga residente sa lugar.
Sinabi naman ni Dizon na ito’y modelo ng pagtutulungan ng LGU at ng National Government kaya napadali ang konstruksyon at naiwasan ang delay sa implimentasyon ng proyekto.
Hinhikayat nito ang mga Ilonggo na ipaabot sa kanila ang anumang problema sa mga ginagawang proyekto lalo at mismo si Pangulong Marcos ang nag-uudyok sa DPWH na agad aksyunan ang mga mababagal na proyekto dahil karapatan ng mamamayan na ito ay agad mapakinabangan.