Dismayado ang dalawang tagapagsalita ng prosecution panel dahil sa hindi pagsipot ni VP Sara Duterte sa unang araw ng pre-trial conference sa Senado.
Sa isang press briefing, ipinahayag nina Kabataan Party-list Representative Renee Co at Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong ang kanilang matinding pagkadismaya.
Giit nila, salungat ang absenteeism ng Bise Presidente sa mga nauna nitong deklarasyon na handa niyang harapin ang mga reklamo sa “tamang forum” o tamang korte.
Sa halip na ang mismong Pangalawang Pangulo, mga abogado lamang nito ang nagpakita at kumatawan sa kanya sa harap ng Impeachment Court.
Ayon kay Adiong, ang impeachment na ito ay “historikal” dahil ngayon lang haharap sa kasong Culpable Violation of the Constitution ang ikalawang pinakamataas na pinuno ng bansa.
Umaasa naman si Co na magpapakita na ang Bise Presidente sa mismong paglilitis sa July 6 upang harapin niya ang mga alegasyon ng Articles of Impeachment.