Kasunod ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, muling itinutulak sa Kamara ang pagtatag ng Department of Disaster Resilience (DDR).
Inihain ni Pinoy Workers Party-list Representative Karl Fernandez Legazpi ang House Bill No. 9897 para sa ‘centralized’ na hakbang para sa kahandaan, mabilis na pagresponde, at pangmatagalang pagbangon ng mga biktima.
Binigyang-diin ng mambabatas na lalong nagiging kumplikado ngayon ang banta ng kalikasan sa bansa, paatunay rito ang mga huling hagupit ng kalamidad
Ayon kay Legazpi, ang mga modernong sakuna ay hindi na pwedeng ituring na “emergency” lang na rerespondehan kapag nandiyan na.
Aniya, hindi pwedeng nagtatapos ang responde ng pamahalaan sa pamimigay ng relief goods.
Kailangan aniya ng year-round planning, pagbawas sa risks, at koordinasyon mula national at local government.
Sa ilalim ng panukalang DDR, titiyakin ng ahensya na ang mga komunidad na tinamaan ng kalamidad ay muling maitatayo nang mas matatag.