Itinama ni Senate President Sherwin Gatchalian ang paliwanag ni Davao City Assessor Engr. Jaime Adalin tungkol sa pag-uuri ng isang ari-arian bilang residential o commercial.
Sa interjection sa day 40 ng Impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, pinunto ni Gatchalian na ang aktwal na gamit ng property ang dapat maging batayan sa classification nito para sa real property taxation.
Aniya, kahit residential ang zoning ng isang lugar, kung ginagamit naman ito bilang restaurant ay dapat itong uriin bilang commercial property.
Kinumpirma rin ng testigong so Davao City Assessor Engr. Jaime Adalin na ang gusali at lupang ipinakita sa impeachment court ay pag-aari nina Vice President Sara Duterte at asawang si Atty. Manases Carpio.
Sinabi ni Adalin na ipinainspeksiyon niya ito sa kanilang technical staff para matiyak na iyon ang mismong property na tinutukoy.
Gayunman, kinuwestiyon ni Gatchalian kung paano natukoy ng assessor na ang naturang ari-arian ang nakasaad rin sa SALN ni VP sara gayong walang nakalagay na title number o tax declaration number sa dokumento.
Ipinaliwanag ni Adalin na ibinatay niya ang pagtutumbas sa assessed value na P82,046, market value at dating tax declaration na nakasaad sa electronic Certificate Authorizing Registration (eCAR).