Hihigpitan ng Indonesia ang kontrol sa mga state surveillance equipment at kinokonsidera na rin ang paghalughog sa iba pang nakatagong bugging devices sa Presidential Palace.
Ito ang naging pahayag ni Senior Minister for Legal Affairs Yusril Ihza Mahendra kasunod ng natuklasang wiretapping sa Presidential Palace noong nakaraang linggo.
Sa isang pulong balitaan nitong Lunes, sinabi ni Yusril na may mga ginagawa na silang hakbang upang hindi magamit sa mali ang mga wiretapping equipment na hawak ng ilang ahensya.
Kinonsidera naman nito bilang “anticipation measure” ang paghahanap pa sa iba pang mga tagong electronic device sa Presidential Palace.
Umingay ang isyu nang matuklasang apat na senior police officers, kabilang ang kamakailang naitalaga pa mismong Chief of Staff ni Indonesian President Prabowo Subianto, ang nasa likod ng iligal na paniniktik sa telepono ng pangulo, iba pang opisyal ng pamahalaan, mga negosyante, mamamahayag at ilan pang mga indibidwal.
Hawak na ng mga awtoridad ang apat na police official at tinitingnan ang posibleng “treason” sa nasabing paniniktik.