Isinusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mas matatag na proteksyon ng digital systems at online services para sa mga Pilipino, sa gitna ng lumalawak na cybersecurity threats na nakakaapekto sa publiko, sa mga manggagawa, at sa maliliit na negosyo.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ikinu-konsidera ng Pangulo ang digital security bilang mahalagang bahagi ng pagpapalawak ng digital economy, kasabay ng pagdami rin ng mga Pilipino na nagiging dependent sa internet-based platforms para sa banking, commerce, education, at government transactions.
Dahil dito ang administrasyon, pinatatatag pa ang cybersecurity sa bansa.
Si Pangulong Marcos Jr., mahigpit aniya ang pakikipagtulungan sa industry leaders, upang patatagin ang proteksyon sa digital platforms at systems, lalo’t nais ng Pangulo, ligtas ang bawat financial transactions, pagbabayad ng bills, at access ng publiko sa online service.
Kasabay ng mga hakbang ng administrasyon para dito, pinalalakas din ang internet connectivity sa bansa, lalo na sa mga geographically isolated communities na hanggang sa kasalukuyan, nananatiling limitado ang access sa reliable digital services.
Kaugnay nito, si Pangulong Marcos Jr., personal na ina-aral ang progreso ng Bayanihan SIM Project. “These initiatives reflect the administration’s broader objective of ensuring that technological advancement is accompanied by stronger safeguards, wider economic participation and greater public trust in digital services.” -PCO