Nagkaroon ng adjustment sa presyo ng ilang pangunahing bilihin sa bansa partikular ng agricultural commodities sa unang bahagi ng hunyo batay sa pinakahuling monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa PSA, kabilang sa bumaba ang presyo ng well-milled na naitala sa ₱56.66 kada kilo mula ₱57.88 kada kilo noong ikalawang bahagi ng Mayo 2026.
Gayunman, mas mataas pa rin ito kumpara noong Hunyo ng 2025 na nasa halos ₱49 kada kilo.
Samantala, bahagyang tumaas ang presyo ng dressed chicken na nasa ₱213.43 kada kilo, mula sa mahigit ₱211 kada kilo noong Mayo.
Tumaas din ang presyo ng galunggong na umabot sa ₱239.18 kada kilo, mas mataas kumpara sa presyo nito noong Mayo at Hunyo noong nakaraang taon.
Kabilang naman sa mga gulay na nagmahal ang Baguio beans na nasa ₱141.48 kada kilo.
Samantala, umakyat din ang average retail price ng mantika sa ₱197.87 kada litro. | ulat ni Merry Ann Bastasa