Pormal nang tinapos ng DOST-PHIVOLCS Quick Response Team (QRT) ang post-earthquake assessment at koordinasyon nito sa Sarangani Province at iba pang naapektuhang lugar matapos ang magnitude 7.8 na lindol.
Kabilang sa isinagawa ng grupo ang pagsusuri sa aftershocks, geologic hazards, at validation ng earthquake intensity reports.
Naging abala rin ito sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko para makatulong sa pagtugon sa mga pangamba matapos ang lindol.
Ibinahagi naman ng PHIVOLCS QRT ang kanilang mga rekomendasyon sa exit briefing kasama ang Sarangani Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.
