Kinumpirma ni San Juan City Mayor Francis Zamora na magpapakalat ng 400 o higit pang miyembro ng Pulisya sa Basaan Zone para sa gaganaping Wattah Wattah Festival sa June 24, para tiyakin ang seguridad at kapayapaan sa lugar.
Sinabi rin ni Zamora na nagtalaga na sila ng Basaan Zone para sa mga makikiisa sa pagdiriwang ng Wattah Wattah Festival.
Papayagan lang ang basaan mula alas-7 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon sa Basaan Zone sa kahabaan ng Pinaglaban Street sa pagitan ng N. Domingo at P. Guevarra Streets.
Naging epektibo ang pagpapatupad nila ng Basaan Zone sa ilalim ng City Ordinance No. 14 series of 2025 noong nakaraang taon, kaya uulitin nila ito ngayong taon.
🎥 IBC