Walang-tigil ang pag-arangkada ng whole-of-government approach ng pamahalaan pagdating sa mga hakbang upang masolusyunan na ang mga matinding pagbaha sa Metro Manila sa panahon ng tag-ulan.
Sa panayam ng programang BOSES kay Department of Environment and Natural Resources (DENR-NCR) Environmental and Enforcement Division Chief Merliza Bonga may sarili ring mga hakbang ang kanilang ahensiya upang masolusyunan ang mga pagbaha.
Kabilang nga rito ang pagsasagawa ng clean-up operations sa mga major waterways tulad ng ilog Pasig at San Juan River, at pagde-deploy ng mga river warriors at Estero rangers.
Gayundin maigting ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at maging sa mga barangay para sa hauling ng solid waste sa mga daluyan ng tubig at mailagay ito sa mga landfill.