Photo Courtesy: VP JD Vance Official Facebook Page
Nagpasya ang Estados Unidos na ipagpaliban ang nakatakda sanang biyahe ng delegasyon ni U.S. Vice President JD Vance sa Switzerland para sa mga usapang pangkapayapaan sa Iran.
Ayon sa White House, hindi na tumuloy ang delegasyon ni Vice President JD Vance sa Geneva kung saan sana magsisimula ang teknikal na negosasyon para isakatuparan ang 14-point agreement na nilagdaan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian.
Sinabi ng mga opisyal na may mga isyung logistikal at hindi pa ganap na napagtitibay ang mga detalye ng negosasyon.
Samantala, nagpahayag naman ang Iran nang pag-aalinlangan sa pagpapatuloy ng usapan at hiniling muna ang mas malinaw na patunay ng pangako ng Estados Unidos sa kasunduan.
Bagama’t nagpapatuloy ang pag-iral ng 60-araw na tigil putukan, patuloy na binabantayan ng mga kaalyado ng dalawang bansa ang sitwasyon dahil anomang pagkaantala sa usapan ay maaaring makaapekto sa katatagan at seguridad ng buong rehiyon.