Ipina-subpeona ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang presidente ng Ateneo De Manila University na si Father Bobby Yap.
Ito ay kaugnay ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa pagkasawi ng dalawang players ng Ateneo Men’s Basketball Team na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, hindi nakadalo si Yap sa itinakdang pagharap sa CIDG dahil ngayon ang graduation ceremonies ng Ateneo.
Aniya, nakapagbigay naman ng abiso ang pamunuan ng unibersidad at nakumpirma ng mga awtoridad na may naturang aktibidad.
Inaasahang haharap sa Huwebes sa susunod na linggo sa CIDG sa Camp Crame si Yap para magbigay ng salaysay.