Pinagbabawalan munang makadalo ang ilang Coaching Staff ng Ateneo de Manila University sa mga UAAP activities.
Sila yung mga nasa Dipaculao Auraro noong nangyari ang pagkalunod ng dalawang student athletes.
Nabatid na inaprubahan ng board of trustees ng UAAP ang rekomendasyong ng board of managing directors.
Dahil dito bawal silang dumalo sa aktibidad ng UAAP habang nakabinbin ang resulta ng ginagawang imbestigasyon ng mga ahensya ng gobyerno, at ng independent fact finding inquiry ng ateneo sa nangyaring insidente.
Layunin ng hakbang na ito na ma preserba ang integridad ng ginagawang pagsisiyasat at matiyak ang full transparency at due process habang sinusuring mabuti ang detalye ng pangyayari.
Iginiit ng UAAP na kailangang matukoy ang pananagutan sa pangyayaring ito base sa ilalabas na resulta ng mga imbestigasyon at lahat ng mapatutunayang responsable sa pangyayari ay papapanagutin alinsunod sa regulasyon ng liga. | ulat ni DK Zarate