Nakikipag-ugnayan na ang Department of Labor and Employment sa mga law schools upang makatulong sa pagbibigay ng legal na serbisyo sa mga manggagawa.
Ilan sa mga kinakausap ngayon ng DOLE ang mga fourth-year law students tulad sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at University of San Carlos sa Cebu.
Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, layon ng programa na tulungan ang mga manggagawang inabuso ng kanilang kompanyang pinapasukan.
Ang nasabing programa ay nakaangkla sa target ng DOLE na magtatag ng Labor Assistance Office na tutulong sa mga manggagawang walang kakayahang kumuha ng abogado upang maipaglaban ang kanilang mga karapatan. | ulat ni DK Zarate