Win Gatchalian
Nanawagan si Senate President Sherwin Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na tiyaking mararamdaman ng publiko ang epekto ng paglagda ng US at Iran sa isang kasunduan na inaasahang magiging simula ng pagtatapos ng kanilang giyera.
Partikular na dapat umanong maramdaman ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Giit ni Gatchalian, matagal nang pinapasan ng publiko, lalo na ng mga nasa sektor ng pampublikong transportasyon, mga magsasaka, mangingisda, at karaniwang mamimili, ang mataas na presyo ng petrolyo, gayundin ang mataas na presyo ng mga bilihin na dulot ng giyera.
Sa kabila nito, nanawagan si Gatchalian sa ehekutibo na ipagpatuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga sektor na lubhang naapektuhan ng malaking pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Mas magiging matatag, aniya, ang pagbangon ng ekonomiya kung matutulungang tuluyang makaahon mula sa naging dagok ng mataas na presyo ng petrolyo at pangunahing bilihin ang mga vulnerable o mahihinang sektor.