Pinabilis ng Department of Education (DepEd) ang rollout ng Learning Continuity Spaces sa mga lugar na madalas tamaan ng sakuna.
Ito ay kasunod ng turnover ng apat na disaster-resilient prefab classrooms sa Quezon, Bulacan, Davao del Norte, Davao de Oro, at Bohol.
Ayon sa DepEd, ang mga Learning Continuity Spaces ay nagsisilbing mabilis at cost-efficient na solusyon sa kakulangan ng mga silid-aralan, partikular sa mga paaralang may agarang pangangailangan sa imprastruktura.
Kabilang sa mga nakatanggap ng mga bagong unit ang Buli Elementary School, Kalawakan Elementary School, Magwawa Integrated School, Doroteo Elementary School, at Loon North High School.
Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na layunin ng programa na matiyak ang tuloy-tuloy na pag-aaral ng mga estudyante kahit sa panahon ng kalamidad.
Mula sa target na 1,622 prefab units kasalukuyang itinatayo ang 159 na units na inaasahang matatapos sa Hulyo 2026 na may pondng PHP3.5 bilyon. | ulat ni Diane Lear
📷 DepEd