Malakihang rollback sa mga produktong petrolyo, asahan na sa susunod na linggo — DOE
Namumuro na ang malakihang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo matapos ang positibong takbo ng usaping pangkapayapaan ng Estados Unidos at Iran.
Batay sa pagtaya ng Department of Energy (DOE), maaaring bumaba ng ₱4 hanggang ₱5 kada litro ang gasolina, ₱8 hanggang ₱10 kada litro ang diesel, at ₱9 hanggang ₱11 kada litro ng kerosene sa Hunyo 23.
Bagama’t naobserbahan ang mga pagbaba dahil sa sitwasyon sa Gitnang Silangan, hindi pa rin tiyak kung magtutuloy-tuloy ito dahil nakasalalay pa rin ang kasunduan ng tigil-putukan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.