Photo from DOLE Camarines Sur
Sasailalim sa 15 na araw na employment program ang mga Persons Deprived of Liberty o PDLs ng Naga City District Jail sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Kabuuang 115 PDLs ang magbebenepisyo sa proyekto ng TUPAD na tinawag na “Luntiang Kaayusan at Pag-asa: Programang TUPAD para sa Pagpapaganda ng Dalawan, Inobasyon ng Pasilidad, at Organikong Paghahalaman sa Loob ng Piitan.”
Bilang bahagi ng aktibidad ay namahagi ang DOLE Camsur ng TUPAD Personal Protective Equipment (PPEs) and Identification Cards (IDs) upang siguruhin ang kaligtasan, maayos na identification, at kahandaan ng mga benepisyaryo sa kabuuan ng pagpapatupad ng programa.
Kabilang sa mga gagawin ng mga PDLs ay ang pagpapaganda sa mga pasilidad ng city jail, at ang pagtatayo ng mga organic gardening habang pinapalaganap ng proyekto ang environmental sustainability at binibigyan ng pansamantala ngunit makabuluhang hanapbuhay.
Kaugnay nito ay tiniyak ng DOLE ng kahandaang magpaabot ng asistensya sa mga vulnerable sector sa pamamagitan ng pagkakaloob ng emergency employment.