Photo from DSWD MIMAROPA
Tatanggap na ng Guarantee Letter mula sa DSWD ang mga piling sangay ng Generika Drugstore sa MIMAROPA para sa pagbili ng mga gamot ng mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS.
Ayon sa pabatid ng DSWD MIMAROPA sa Palawan, kabilang sa mga tumatanggap ng DSWD Guarantee Letter ang mga sangay ng Generika Drugstore sa Roxas at Puerto Princesa City.
Sa Oriental Mindoro naman, maaaring gamitin ang Guarantee Letter sa mga sangay sa Calapan City, Roxas, at Pinamalayan.
Ang Guarantee Letter ay opisyal na dokumentong nagsisilbing garantiya sa pagbabayad ng ahensya sa mga partner service provider para sa mga produkto at serbisyong kailangan ng mga kliyente, kabilang ang mga gamot.
Pinapayuhan ang mga benepisyaryo na hanapin ang karatulang nagsasaad na tinatanggap ang DSWD Guarantee Letter sa mga branch ng Generika Drugstore.