Mahigpit na susundin ng Philippine National Police (PNP) ang mga legal na proseso at hindi gagawa ng anumang aksyon na walang direktang kautusan mula sa hukuman.
Ito ang ipinunto ni PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. bilang tugon sa pahayag ni Senador Rodante Marcoleta na mayroon na umano siyang Warrant of Arrest sa reklamong Plunder at Indirect Bribery na may kaugnayan sa campaign funds nito.
Paglilinaw ni Nartatez, wala siyang ipinapalabas na special operational directive laban sa senador at hindi sila kumikilos nang nakasalig sa tsismis o hindi beripikadong impormasyon.
Una rito, sinabi ni Sen. Marcoleta na nakatanggap siya ng impormasyon tungkol sa posibleng paglabas ng Warrant of Arrest laban sa kanya kaugnay sa umano’y hindi pagsisiwalat ng ₱75 milyon na donasyon sa kampanya noong nakaraang halalan.
Pero sa pulong-balitaan sa Kampo Crame ngayong umaga, sinabi ni PNP Public Information7 Office Acting Chief, PCol. Allen Rae Co na wala pa silang natatanggap na kopya ng warrant laban sa mambabatas.