Naisama na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) bilang isa sa unang dalawang ahensya sa National Single Window–Integrated Trade Facilitation Platform (NSW-ITFP) ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Kasabay nito, matagumpay na naipaloob sa sistema ang Electronic Authority to Release Imported Goods (eATRIG) matapos makapasa sa User Acceptance Testing.
Kasama ng National Tobacco Administration (NTA), bahagi ito ng pilot go-live operation ng digital trade platform na inilunsad noong June 19, 2026.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, layunin ng sistema na pabilisin ang proseso ng importasyon, bawasan ang red tape, at gawing mas episyente ang mga transaksyon sa gobyerno.
Suportado rin ito ng Department of Finance (DOF) bilang bahagi ng digital transformation ng ahensya.
Inaasahang madaragdagan pa ang mga ahensyang isasama sa platform para sa mas mabilis at mas maayos na trade facilitation sa bansa.