Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development
Inilunsad na sa Cebu City ang ikalawang “Walang Gutom Kitchen” ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at DSWD Secretary Rex Gatchalian ang paglulunsad ng programa.
Layunin nitong magbigay ng libreng mainit at masustansyang pagkain sa mga indibidwal at pamilyang nasa lansangan.
Ayon kay Secretary Gatchalian, bahagi ito ng direktiba ng Pangulo na wakasan ang kagutuman sa bansa, kasunod ng naunang operasyon ng Walang Gutom Kitchen sa Pasay City.
Bukod sa Cebu, nakatakda ring magbukas ng karagdagang kitchen sa Zamboanga City sa susunod na buwan upang palawakin pa ang saklaw ng programa.
Kasabay nito, tiniyak ng DSWD ang tuloy-tuloy na paghahanda sa disaster response at food production facilities bilang suporta sa mga programang pangkaginhawaan ng mga Pilipino.