Prayoridad ng pamahalaang lungsod ng Tayabas na palakasin ang kultura at pamana ng kanilang bayan para mas makahikayat pa ng mga bisita at turista.
Sa panayam ng programang Pasyal Pinas kay Tayabas City Tourism Officer Koko Pataunia, ipinagmalaki nito ang mga cultural heritage sites ng lungsod kabilang ang Malagonlong Bridge, Mallari Distillery, Casa Comunidad, at Minor Basilica of St. Michael the Archangel na isang National Cultural Treasure.

Paliwanag niya, ang paglago ng turismo ay may direktang benepisyo sa kabuhayan ng mga Tayabasin habang napapanatili ang pagkakakilanlan, kultura, at mga kuwentong bumubuo sa kasaysayan ng kanilang lugar.
Buo rin, ani Pataunia, ang suporta ng lokal na pamahalaan sa tourism value chain, mula sa tour operators at transport service providers hanggang sa local vendors at artisans.