HoR Screengrab
Hihilingin ng House prosecution panel sa Senate Impeachment Court na palawigin ang oras at magpatupad ng mga karagdagang hakbang upang matapos ang pormal na pagmamarka ng mga ebidensya na hawak ng magkabilang panig.
Sa isang press conference, inihayag ni Lead Prosecutor at Batangas Representative Gerville “Jinky Bitrics” Luistro na nahaharap sa matinding hamon ang pre-trial conference dahil sa “voluminous” o napakaraming dokumento na isinumite na tinatayang nasa 4,000 pahina o kopya.
Dahil dito, inamin ni Luistro na nagpahayag ng “uncertainties” o pag-aalinlangan ang mga prosecutor kung kakayaning matapos ang pagmamarka ng mga exhibits hanggang sa itinakdang deadline ngayong darating na Huwebes, June 25.
Upang hindi maantala ang takbo ng proseso ng karagdagang teams na tututok sa pagmamarka ng mga ebidensya (marking of exhibits).
Hihilingin din ng panel kay Senate Secretary Renato Bantug Jr. na tumatayong clerk of court na i-extend o palawigin ang proseso ng pagmamarka hanggang sa araw ng Sabado upang masigurong mairerehistro nang maayos ang bawat dokumento.
Umaasa naman si Prosecutor at Manila Rep. Joel Chua na pagbibigyan ng impeachment court ang hiling ng panel.