Upang tuluyang wakasan ang kontrol ng mga tradisyunal na politiko at protektahan ang interes sa partylist system.. naghain si House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga political dynasty at mga government contractor na makapasok sa party-list system.
Ang House Bill (HB) No. 9906, o ang itinataguyod na New Party-List System Act, ay isa mga prayoridad na batas ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Ayon kay Speaker Dy, ang party-list system ay nilikha upang palawakin ang representasyon at hindi upang palawakin ang kapangyarihan ng iilang pamilya.
Sa ilalim ng HB 9906, disqualified ang mga indibidwal na nagnanais maging nominee ng isang party-list, ito ay ang mga:
kamag-anak ng mga Politiko–hanggang second degree of consanguinity ay
may kontrata sa gobyerno
mga dating opisyal.
Bukod dito, oobligahin din ang mga party-list na magsumite ng sertipikasyon na hindi sila itinayo o pinopondohan ng mga political dynasty o mga negosyanteng may interes sa mga kontrata ng pamahalaan.
Binigyang kapangyarihan din ang Commission on Elections (COMELEC) na mag-audit at magpataw ng parusa sa mga lalabag.
Binigyang diin ni speaker Dy na ang tiwala ng taumbayan ay nakasalalay sa paniniwalang ang mga kinatawan ay tunay na nagsisilbi sa kanilang sektor at hindi sa pansariling interes. | ulat ni Melany Reyes