Umabot sa 173 drug suspects ang naaresto ng Police Regional Office 6 sa pinaigting na kampanya kontra iligal na droga sa Western Visayas.
Mula Mayo 22 hanggang Hunyo 21, 2026, nagsagawa ang PRO6 ng 138 anti-illegal drug operations na nagresulta sa pagkahuli ng mga tulak ng iligal na droga.
Nasamsam din ng mga otoridad ang mahigit 11 kilo ng shabu na may Standard Drug Price na 77 million pesos gayundin ang 112.46 grams ng marijuana.

Nangunguna sa pinakamalaking nahuli ang Iloilo Police Provincial Office (IPPO) na nakakumpiska ng 5,085 grams ng shabu at nakaaresto ng 60 tulak ng iligal na droga.
Ayon kay PRO-6 Director Brigadier General Randulf T. Tuaño, bunga ito ng pinaigting na intelligence gathering, surveillance, case build-up, koordinasyon sa partner agencies, at aktibong suporta ng mga community informants.
Hindi papayagan ng PRO-6 na sirain ng iligal na droga ang mga komunidad at magpapatuloy ang kanilang operasyon upang tugisin ang mga drug personality, buwagin ang kanilang mga network, at ipagpatuloy ang intelligence-driven operations para maprotektahan ang mamamayan ng Western Visayas.
📷 PRO-6