Kapwa tiniyak ng Department of Education (DepEd) at Philippine National Police (PNP) ang maigting na ugnayan at pagtutulungan.
Ito’y para suportahan ang nagpapatuloy na imbestigasyon kaugnay sa nangyaring pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City, kahapon.
Kasunod ng insidente, kagyat na nagsagawa ng pagpupulong ang dalawang ahensya ng pamahalaan kung saan, tinalakay ang mga susunod na hakbang kaugnay nito.
Committed ang mga ito na matugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong mag-aaral, guro, at kawani matapos ang kalunus-lunos na insidente.
Una rito, inihayag ni PNP Acting PIO Chief, PCol. Allen Rae Co na nagsumite na sila sa DepEd ng rekomendasyon para palakasin ang seguridad sa paligid ng mga paaralan sa pamamagitan ng mahigpit na ugnayan sa mga Barangay.